Thursday, July 16, 2009

Hele ng Anghel (Tagalog Poem)

Pinagmamasdan kitang matulog kasabay ng mga tala
na aking natatanaw sa labas ng bintana
ikaw parin ang pinakamagandang dilag sa mundo
kahit nakapikit ang marikit na mga mata mo


pula mong labi na nakadampi sa malambot na unan
na akap-akap at kama na sayo ay dumuduyan
mapayapang paligid sa kwarto mo ang humehele
sa mukha mong basa ng luha at napakainosente


aking nasaksihan sulyap ng araw sa silangan
may pamilyar na bagay na lumitaw sa iyong higaan
nasasayo parin pala panyo na aking iniabot
ng minsang pinaluha ka ng lalakeng iyong sinagot


pero ngayon ako'y sayo at ikaw ay akin na
natuto na ang puso mo muli na maging masaya
ngunit ikaw ba'y binangungot at parang nahihirapan
ako ay nabigla, tinawag mo aking pangalan


sinubukan kong haplusin ang iyong kanang pisngi
upang malisan mo ang hirap sa nasabing sandali
ngunit hindi ka nahawakan sa hindi mapaliwanag
hanggang sa ako'y lumutang patungo sa may liwanag...


----------------------------------------------------


Uhmmm. This poem was made for about five nights. Nights that made me hard to sleep. Nights that, I had to daydream so that I can fell asleep. Inspiring, I discovered a new way of writing -Imagining. Plotting your own story, add colors, then boom! XD I know my poem isn't that good, but uh, at least I spent my time, trying to sleep, effectively. Well, its July 16, 5days to go before our class opening in MIT (Mapua Institute of Technology -Makati Campus). Next article would be a poem :).


Chill ouT!

Thursday, July 2, 2009

Upuan - Gloc 9 lyrics Ft. Jeazell of Zelle

Kayo po na naka upo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw
At baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko


Tao po nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
Ang kanin ay sing puti ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay ari ng isang upuan
Na pag may pagkakataoy pinag aagawan
Kaya naman hindi nya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang sya ay aking sisigawan ng

Kayo po na naka upo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw
At baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko

Mawalang galang na po sa taong nakaupo
Alam nyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang dingding ng bahay namin ay pinagtagpi tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takureng uling uling
Gamit ang panggatong na inanod lamang sa estero
Na nagsisilbing kusina sa umagay aming banyo
Ang aking inay na may kayamanang isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin ulam na toyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapoy pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maramingharang
O mataas lang ang bakod o nagbubulag bulagan
Lamang po kayo kahit sa dami ng pera nyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata nyo
Kaya


Huwag kang masyadong halata
Bato bato sa langit
Ang tamaay huwag magalit
Bato bato bato sa langit
Ang tamaan ay
Huwag masyadong halata
Huwag kang masyadong halata



-----------------------------------------------------



This song is from Aristotle Pollisco's (Known as Gloc-9) latest album -Matrikula. Well, supporters were all obviously excited for its music video that was officially aired its premiere on Myx on June 29 2009 but until now, July 2 2009, it wasn't uploaded yet even in the number one video site -YouTube. I didn't post this to tell what is the particular interpretation of this song, it'll be based on beholder's perspective like a portrait in a museum. Gloc's skill in writing was highly rated, filled of experience and extremely professional, a talent that I would never have -a skill that a journalist/writer would ever wish for. His expression of his feelings was easy to understand as if he was just talking to you one-on-one personally. Still, he raises his forehead on Mr. Francis Magalona, his idol and leaving his both feet on the floor. It's not the color of your pen whether it's blue, red, black or any -the most important thing is what will they understand. I hope I didn't spoil you :) Good Day!


Chill ouT!