Pinagmamasdan kitang matulog kasabay ng mga tala
na aking natatanaw sa labas ng bintana
ikaw parin ang pinakamagandang dilag sa mundo
kahit nakapikit ang marikit na mga mata mo
pula mong labi na nakadampi sa malambot na unan
na akap-akap at kama na sayo ay dumuduyan
mapayapang paligid sa kwarto mo ang humehele
sa mukha mong basa ng luha at napakainosente
aking nasaksihan sulyap ng araw sa silangan
may pamilyar na bagay na lumitaw sa iyong higaan
nasasayo parin pala panyo na aking iniabot
ng minsang pinaluha ka ng lalakeng iyong sinagot
pero ngayon ako'y sayo at ikaw ay akin na
natuto na ang puso mo muli na maging masaya
ngunit ikaw ba'y binangungot at parang nahihirapan
ako ay nabigla, tinawag mo aking pangalan
sinubukan kong haplusin ang iyong kanang pisngi
upang malisan mo ang hirap sa nasabing sandali
ngunit hindi ka nahawakan sa hindi mapaliwanag
hanggang sa ako'y lumutang patungo sa may liwanag...
----------------------------------------------------
Uhmmm. This poem was made for about five nights. Nights that made me hard to sleep. Nights that, I had to daydream so that I can fell asleep. Inspiring, I discovered a new way of writing -Imagining. Plotting your own story, add colors, then boom! XD I know my poem isn't that good, but uh, at least I spent my time, trying to sleep, effectively. Well, its July 16, 5days to go before our class opening in MIT (Mapua Institute of Technology -Makati Campus). Next article would be a poem :).
Chill ouT!
Chill ouT!
No comments:
Post a Comment